AdsGA

Sunday, June 23, 2019

The Adbentyurs of Bokyo and Kanor!

Sa Eskwelahan...

Titser: Bokyo... late ka nanaman! Ano nanaman ang excuse mo ngayon?
Bokyo: Mam sorry po kasi lumagpas po kasi yung bus na sinasakyan ko kanina?
Titser: Oh eh bakit naman?
Bokyo: Kasi po yung matandang katabi ko nalaglagan ng 500 eh hinanap po niya ng halos kalahting oras.
Titser: Ah ok so tinulungan mo syang maghanap ng kalahating oras kaya kaya ka lumagpas ganon ba?
Bokyo: Hindi po Mam, kalahating oras ko po kasing tinapakan yung 500 nya.

. . . . . . . . . . .

Sa isang Restaurant...

Bokyo: Waiter, isosoli ko tong porkchop na inorder ko. Limang minute ko nang nginunguya pero sobrang tigas.
Waiter: Sir baka naman may parte lang na matigas.
Bokyo: Hindi, matigas talaga. Tikman mo pa eh.
Tinikman ng waiter ang porkchop . . .
Waiter: Sir malambot naman ah, medyo makatas pa nga eh!
Bokyo: Panong hindi malambot yan, eh kinain mo yung parteng kanina ko pa nginangata!

 . . . . . . . . . .

Sa bahay ni Bokyo...

Bokyo: Tay pinatatawag po kayo ng principal naming sa school.
Tatay: Ha! Eh bakit ano daw, ano nanaman ang ginawa mo ngayon?
Bokyo: Ninakawan kop o kasi ng halik yung kaklase ko eh.
Tatay: He he he, astig yung anak ko ah. Manang mana sa akin! Sino ba yung hinalikan mo anak?
Bokyo: Si Andrew pot ay... ang pogi nya kasi eeeeeee!

. . . . . . . . . .

Sa eskwelahan uli...

Titer: Our topic for today is about national symbols. Wanda, ano ang pambansang bulaklak.
Wanda: Sampaguita po mam.
Titser: Very good. Bokyo ano naman ang pambansang ibon.
Bokyo: Ahhhh ehh ano mam, manok po.
Titser: Wrong, mas maliit pa ito sa manok.
Bokyo: Ah sisiw po mam.
Titser: Anong sisiw, mali! Kulay brown ito at mas maliit pa sa sisiw.
Bokyo: Ay sus alam ko na mam. Chicken cubes po mam, chicken cubes!

. . . . . . . . . .

Isang araw dumidiskarte si Kanor kay Wanda...

Kanor: Hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Ano tayo?
Wanda: Ewan ko. Wala akong pake!
Kanor: Bagay tayo, bagay na bagay!
Wanda: Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka bagay hindi Karin tao... Hayop ka, HAYOP!

. . . . . . . . . .

Sa isang talyer...

Kanor: Ser ok na po tong sasakyan nyo, nagawan ko na ng paraan.
Pekto: Ah talaga, naayos mo na yung preno ng sasakyan ko?
Kanor: Ay hindi po ser, wala nang pag-asa yung preno nyo, sira na talaga!
Pekto: Oh eh anong sinasabi mong nagawan mo na ng paraan?
Kanor: Wala na po kasing pag-asa yung preno nyo kaya nilakasan ko nalang yung busina. Ok na po yan ser, happy trip. Ingat po kayo!

. . . . . . . . . . .

Sa isang Ospital...

Kanor: Dok bakit galit na galit yung pasyente nyo pag alis dito kanina? Sayang ang sexy pa naman!
Doktor: Ah yun ba? Bakla yun, pina alis ko, ang kulit kasi eh.
Kanor: Naku Dok pano kung magsampa ng kaso yun, eh diba bawal na tumanggi sa pasyente ngayon. Tapos baka ireklamo pa kayo ng Gender discrimination, mabigat yun Dok!
Doktor: Eh ano bang magagawa ko? Hindi ko naman alam kung ano ang raraspahin sa kanya!





No comments:

Post a Comment

Kalokohang Also in the Philippines!

Anak ka ng Photek! Da Birds dat Started it All! The Original Best Selling Float! Dahil may Swine Flu, Para w...