Isang araw, naglalakad sa Malabon si Buknoy nang makita nya ang daming tao at narinig nya na may kawawang namatay doon.
Dahil gustong nyang maki-usyoso ay naisip ni Buknoy na gumawa ng eksena. Biglang sumigaw si Buknoy ng... Hoyyy!!! Magsintabi kayo... Kapatid ko yan!!!
Laking gulat ng mga tao at bigla silang nagsintabi.
Tumambad sa harap ni Buknoy ang kawawa at duguang... UNGGOY!!!
*****
ANAK: Tay first honor po ako sa klase namin.
TATAY: Anak syempre naman sakin mo yata nakuha ang talino mo
eh.
NANAY: hah kaya pala wala nang naiwan sayo, nakuha na lahat
ng anak mo.
*****
Isang araw may nakitang lalaki si Manoy sa isang beer house na
may tato’ ng dragon sa kanang bahagi ng mukha. Pinagkakaguluhan ito ng mga
magagandang babe na panay haplos sa tato' nito. Bumilib si Manoy sa lalake kaya
tinanong nya ito.
Manoy: Brad ang lupit ng tato' mo ah! Saan mo nakuha yan?
Lalake: Doon sa kabilang ibayo, umakyat ako sa ika pitong
bundok at sa pinakamataas na bato sa tuktok sumigaw ako ng DRAGOOOOOON!!!
Kumulog at kumidlat at nawalan ako ng malay. Nang magising ako mayroon nakong
tato’ ng dragon sa mukha. Simula noon naging lapitin nako ng magagandang babae.
Manoy: Woow kainggit naman, gusto ko rin yan. Sige gagawin
ko rin ang ginawa mo he he he.
Nagpunta nga si Manoy sa kabilang ibayo at umakyat sa ika
pitong bundok. Nang sasampa na siya sa pinakamataas na bato, biglang nadulas si
Manoy pababa ng bundok at napamura siya...
Manoy: AYYY... PhUK! ng INA!!!
Kumulog at kumidlat at nang magkamalay si Manoy, naramdaman
nyang meron na syang...biyak sa mukha!
*****
Kaloy: O pare bakit ang saya mo?
Bokyo: Nakatnggap ako ng sulat sa abogado ng inutangan ko,
yung pinag sanlaan ko ng bahay.
Kaloy: O eh bakit masaya ka pa?
Bokyo: Kasi sabi sa sulat eh final notice, ay buti naman at
napagod din kaka singil ang mokong na yon he he he.
*****
Kanor: Bochok balita ko nawawala daw ang asawa mo?
Bochok: Oo kanor, wala ngang nakaka alam kung saan sya
nagpunta eh.
Kanor: Ano ba nangyari, nag away ba kyo? Kelan mo ba sya
huling nakita?
Bochok: Nung isang araw lang tandang tanda ko pa yun kasi
ang saya ng gising ko, ang sarap kasi ng panaginip ko tapos namalayan ko nalng
wala na pala sya.
Kanor: Grabe naman hindi man lang nagpahiwatig na aalis na
siya. Eh ano pala yung masarap mong panaginip nung gabing yon.
Bochok: Kumakain daw ako ng lechon.
*****
No comments:
Post a Comment