AdsGA

Sunday, February 10, 2019

Tagalog Jokes and Funny Stories

Bata: Ale pabili po ng guyabano.
Tindera: Wala kaming guyabano.
Kinabukasan…
Bata: Ale pabili po ng guyabano.
Tindera: Gulay lang ang tinda ko, wala nga akong guyabano.
Sumunod na araw…
Bata: Ale pabili po ng guyabano.
Tindera: Sinabi ng hindi ako nagtitinda ng guyabano, ang kulit mo rin eh no. Isa pang tanong mo ng guyabano iisteplerin ko na yang bibig mo.
Kinabukasan uli…
Bata: Ale may stapler po kayo.
Tindera: Wala, bakit nanaman.
Bata: Pabili po ng guyabano!



……….
May nakapag sabi naba sayo na ang ganda ganda mo?
Kung wala pa, ganon talaga di natin sila pwedeng pilitin. Suck it up biatchhh!!!
……….
Iyong iyo nako… iyong iyo nako!!!
….Sabi ng ngongo pagbaba ng roller coaster.
……….
Sa isang kanto….
Pedro: Pare sabihin mo nga dyan sa kano na bukas yung bag nya, baka may mahulog.
Juan: Hey joe your bag is tomorrow, cow is falling.
……….
Sa isang bahay na may nakasulat na Ice for Sale.
bata: pabili po
Ale: anong bibilhin mo?
Bata: kendi nga po
Ale: wala
Bata: coke
Ale: wala
Bata: juice
Ale: wala nga! Kita mong ice for sale lang nakalagay malamang yelo lang benibenta namin tanga mo talaga
Bata: ikaw nga ung mas tanga alam mong ice lang tinitinda nyo mag tatanong kapa kung ano bibilhin ko?
……….
NATINIK
Anak: Tay! natinik po ako ng isda!.
Tatay: Eto, saging ohh kumagat
ka ng malaki at lunikin mo.
Anak: Tay, ubos na pero di pa rin
nawala!.
Tatay: Eto pa, lumunok ka pa ng isa.
At isa pa. At isa pa!
Anak: Di parin naaalis, eh.
Tatay: Nnganga ka nga para matignan
Ko. Sanbanda ka ba natinik?
Anak: Sa talampakan ko.
……….
Ang pera ko parang Coke!
Kung hindi sakto, palaging zero!
……….

Teacher: Ok before anything else. Please introduce yourself one by one. Lets start with you.
Tumayo ang unang estudyante.
Agapito: Maam Ako po si Agapito Dimagiba.
Teacher: In English please.
Agapito: My name is Early seven never broke.
……….
Sa isang inuman…
Pare mauna nako, dami ko nang tagay kelangan ko nang umuwi para hubarin panty ng misis ko he he he.
Wow pare ang lupit mo naman. Sabik na sabik ka na ba sa misis mo?
Hindi pare, kailangan ko nang hubarin kasi sobrang sikip, nananakit na pantog ko.
……….
Nanay: Anak grabe ka naman, linis ako ng linis dito tapos naglalaro ka lang dyan sa computer. Di ka ba nahihiya?
Anak: Nay mas nakakahiya naman kung ako maglilinis dyan tapos ikaw maglalaro dito diba he he he!
……….
Hugot lines – Alarm clock ka ba?
Kasi pag gising ko sa umaga ikaw yung una kong gustong patayin. Nya ha ha!
……….
One liner: Ang babaeng hindi marunong magluto ay dapat humanap ng lalakeng hindi marunong kumain.
……….
Boylet: Alam mo ba yung alamat ng kagandahan?
Ate Gurl: Hindi eh.
Boylet: Isang araw, ipinanganak ka sa mundong ito.
Ate Gurl: Hi hi hi ang sweet mo naman.
Boylet: Alamat nga eh, kweno lang naniwala ka naman!
Ate Gurl: Ulul gawin kitang alamat dyan eh.
……….
Boy Pickup: Buti pa sinaing binabantayan, binabalikan, hindi iniiwan!
Girl Pickup: Sana sinaing ka nalang para pag nagkalimutan na, sunog kang hayop ka!
……….
Ang taong feelingera ay parang basura!
Plastic na, ma papel pa!
……….
Nanay: Kikay umamin ka, totoo ba na buntis ka?
Kikay: Sorry po, totoo po mama.
Nanay: Walang hiya kang bata ka. Papano nangyari ito?
Kikay: Mama maniwala po kayo, hindi ko po to sinasadya. Aksidente lang po ang nangyari!
Nanay: Wow ha! Aksidente talaga? Ano yun, naglalakad ka sa kalye tapos bigla kalang nabunggo ng titi… Ganon ba?
……….
Teacher: Pekto spell Ambulance.
Pekto: A… ah M…ah…B ah eh…
Teacher: Faster Pekto, faster!!!
Pekto: Wang wang wang wang…
……….
Para kang Dessert…
Ang sweet mo sa akin, ang sweet mo sa kanya… Ang sweet mo sa kanila!
Ano ka, Crema de Puta?
……….
Anak: Mama may sasabihin po ako sa inyo.
Nanay: Ano yun anak.
Anak: Buntis po ako ma, buntis po ako!
Nanay: Hay nako anak, matulog ka nalang at may klase ka pa bukas.
Anak: Ganon lang yun ma, hindi ka man lang magagalit, what kind of mother are you?
Nanay: Magtigil ka nga dyan Magno, bklang twoah!
……….
Hugot lines: Wag mong iyakan ang nang-iwan sayo…
Hindi pa siya patay, masyado ka naming excited.
……….
Yoyoy: Ano sa english ang utot?
Barok: Wind of change
Yoyoy: Eh ang utot na walang tunog?
Barok: Edi sound of silence
Yoyoy: Ano ang utot na may dalang tae?
Barok: Dust in the wind
Yoyoy: Eh ang di sinasadyang utot?
Barok: Ahh..yan ang careless whisper
Yoyoy: Eh yung utot na hindi mapigil?
Barok: Yan yung please release me!
Yoyoy: Eh ano naman yung utot na sa sobrang baho eh nakamamatay?
Barok: Asus eh di Killing me softly!
Yoyoy: Eh yung utot sabay tae?
Barok: I can’t fight this feeling anymore na yan!
……….
Pokwang: Balita ko may long distance relationship ka raw.
Chuchay: Ah oo matagal na.
Pokwang: Talaga anong feeling pag ganon?
Chuchay: Eh di ang sakit.
Pokwang: Ha ah eh bakit naman masakit, malayo lang cya masakit na?
Chuchay: Oo malayo cya, malayong magka relasyon kaming dalawa waaaah!
Pokwang: Asus long distance relationship nga! Nya ha ha!
……….
Kung nanlalamig cya sayo, panigurado may ibang nagpapa init na sa kanya.
Climate change yan… dala ng malanding panahon!
..........

No comments:

Post a Comment

Kalokohang Also in the Philippines!

Anak ka ng Photek! Da Birds dat Started it All! The Original Best Selling Float! Dahil may Swine Flu, Para w...