Ang lalake daw ay parang aso...
Madaling intindihin...
Masaya na sa pagkain, laro at
tulog!
Ang Babae daw ay parang pusa...
Mahirap tantyahin...
Minsan malambing, madalas masungit...
At bigla bigla nalang
nangangalmot!
**********
Exercise daily to keep your body
healthy.
Like my lola..
She was 75 when she started
biking 5km a day.
Now, she’s 98.
And until now,
.
.
.
Di pa umuuwi..
Wala ba dyan?
**********
Sino pipiliin mo?
Ang maganda o gwapo na mananakit
sa puso mo?
O ang panget na mananakit sa mata
mo?
**********
Bawat luha ay mahalaga,
kaya siguraduhin mong bawat
pagluha
ay sa karapat-dapat na tao.
Dahil ang luha kapag tumulo
ay hindi na maibabalik sa mata,
...hindi tulad ng uhog . . . na pwedeng
masinghot pa!
**********
Ayoko na!
Pag nagmamahal ako lagi na lang
maraming tao ang nagagalit!
Wala ba akong karapatang
magmahal?!?"
– gasoline
**********
NAK: mami sabi po ng kalaro ko
pangET daw po ako .. huhuhuhuh
MAMI: anak alam mo ba ang
kagandahan ay nasa loob...
kaya wag kang lalabas d2 k lang
sa bahay ..
**********
Girl: Dok, bakit masakit po buong
katawan ko?
Dok: Sige tingnan natin, hubarin
mo lahat ng suot mo.
(Hinubad ni Girl lahat ng suot
nya.)
Dok: Sige hawakan mo ang balik@t
mo.
Girl: Aray Dok, masakit po.
Dok: Hawakan mo naman dibdib mo.
Girl: Aww, masakit din Dok!
Dok: Ngayon hawakan mo naman mga
hita mo!
Girl: Aray dok masakit din sobra!
Dok: Hmm... Alam ko na sakit mo!
Girl: Naku! Ano po Dok, malala
ba?
Dok: Hindi naman, may bali ka
lang sa Kamay!
**********
Hugot OFW...
Konting tiis nalang!
Malapit na matapos kontrata ko.
Malapit nakong yumaman...
Pera nalang ang Kulang!
**********
(Sa isang kasalan, kinantyawan ng
Pari ang Groom!)
Pari: Kongrats iho, sana ang
donasyon mo ay sing ganda ng mapapangasawa mo!
Groom: Ay oo nga pala, Father eto
po ang donasyon ko... 100 pesos!
Dumating na ang Bride at paglapit
sa altar ay tiningnan kaagad ng Pari.
Father: Sige iho, bago pala tayo
magsimula, eto ang sukli mo... 99 pesos!
... Condolence!
**********
No comments:
Post a Comment