Sa Eskwelahan...
Titser: Bokyo... late ka nanaman! Ano nanaman ang excuse mo
ngayon?
Bokyo: Mam sorry po kasi lumagpas po kasi yung bus na
sinasakyan ko kanina?
Titser: Oh eh bakit naman?
Bokyo: Kasi po yung matandang katabi ko nalaglagan ng 500 eh
hinanap po niya ng halos kalahting oras.
Titser: Ah ok so tinulungan mo syang maghanap ng kalahating
oras kaya kaya ka lumagpas ganon ba?
Bokyo: Hindi po Mam, kalahating oras ko po kasing tinapakan
yung 500 nya.
. . . . . . . . . . .
Sa isang Restaurant...
Bokyo: Waiter, isosoli ko tong porkchop na inorder ko.
Limang minute ko nang nginunguya pero sobrang tigas.
Waiter: Sir baka naman may parte lang na matigas.
Bokyo: Hindi, matigas talaga. Tikman mo pa eh.
Tinikman ng waiter ang porkchop . . .
Waiter: Sir malambot naman ah, medyo makatas pa nga eh!
Bokyo: Panong hindi malambot yan, eh kinain mo yung parteng
kanina ko pa nginangata!
. . . . . . . . . .
Sa bahay ni Bokyo...
Bokyo: Tay pinatatawag po kayo ng principal naming sa
school.
Tatay: Ha! Eh bakit ano daw, ano nanaman ang ginawa mo
ngayon?
Bokyo: Ninakawan kop o kasi ng halik yung kaklase ko eh.
Tatay: He he he, astig yung anak ko ah. Manang mana sa akin!
Sino ba yung hinalikan mo anak?
Bokyo: Si Andrew pot ay... ang pogi nya kasi eeeeeee!
. . . . . . . . . .
Sa eskwelahan uli...
Titer: Our topic for today is about national symbols. Wanda,
ano ang pambansang bulaklak.
Wanda: Sampaguita po mam.
Titser: Very good. Bokyo ano naman ang pambansang ibon.
Bokyo: Ahhhh ehh ano mam, manok po.
Titser: Wrong, mas maliit pa ito sa manok.
Bokyo: Ah sisiw po mam.
Titser: Anong sisiw, mali! Kulay brown ito at mas maliit pa
sa sisiw.
Bokyo: Ay sus alam ko na mam. Chicken cubes po mam, chicken
cubes!
. . . . . . . . . .
Isang araw dumidiskarte
si Kanor kay Wanda...
Kanor: Hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Ano tayo?
Wanda: Ewan ko. Wala akong pake!
Kanor: Bagay tayo, bagay na bagay!
Wanda: Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka bagay hindi Karin tao...
Hayop ka, HAYOP!
. . . . . . . . . .
Sa isang talyer...
Kanor: Ser ok na po tong sasakyan nyo, nagawan ko na ng
paraan.
Pekto: Ah talaga, naayos mo na yung preno ng sasakyan ko?
Kanor: Ay hindi po ser, wala nang pag-asa yung preno nyo,
sira na talaga!
Pekto: Oh eh anong sinasabi mong nagawan mo na ng paraan?
Kanor: Wala na po kasing pag-asa yung preno nyo kaya nilakasan
ko nalang yung busina. Ok na po yan ser, happy trip. Ingat po kayo!
. . . . . . . . . . .
Sa isang Ospital...
Kanor: Dok bakit galit na galit yung pasyente nyo pag alis
dito kanina? Sayang ang sexy pa naman!
Doktor: Ah yun ba? Bakla yun, pina alis ko, ang kulit kasi
eh.
Kanor: Naku Dok pano kung magsampa ng kaso yun, eh diba
bawal na tumanggi sa pasyente ngayon. Tapos baka ireklamo pa kayo ng Gender
discrimination, mabigat yun Dok!
Doktor: Eh ano bang magagawa ko? Hindi ko naman
alam kung ano ang raraspahin sa kanya!