AdsGA

Sunday, June 23, 2019

The Adbentyurs of Bokyo and Kanor!

Sa Eskwelahan...

Titser: Bokyo... late ka nanaman! Ano nanaman ang excuse mo ngayon?
Bokyo: Mam sorry po kasi lumagpas po kasi yung bus na sinasakyan ko kanina?
Titser: Oh eh bakit naman?
Bokyo: Kasi po yung matandang katabi ko nalaglagan ng 500 eh hinanap po niya ng halos kalahting oras.
Titser: Ah ok so tinulungan mo syang maghanap ng kalahating oras kaya kaya ka lumagpas ganon ba?
Bokyo: Hindi po Mam, kalahating oras ko po kasing tinapakan yung 500 nya.

. . . . . . . . . . .

Sa isang Restaurant...

Bokyo: Waiter, isosoli ko tong porkchop na inorder ko. Limang minute ko nang nginunguya pero sobrang tigas.
Waiter: Sir baka naman may parte lang na matigas.
Bokyo: Hindi, matigas talaga. Tikman mo pa eh.
Tinikman ng waiter ang porkchop . . .
Waiter: Sir malambot naman ah, medyo makatas pa nga eh!
Bokyo: Panong hindi malambot yan, eh kinain mo yung parteng kanina ko pa nginangata!

 . . . . . . . . . .

Sa bahay ni Bokyo...

Bokyo: Tay pinatatawag po kayo ng principal naming sa school.
Tatay: Ha! Eh bakit ano daw, ano nanaman ang ginawa mo ngayon?
Bokyo: Ninakawan kop o kasi ng halik yung kaklase ko eh.
Tatay: He he he, astig yung anak ko ah. Manang mana sa akin! Sino ba yung hinalikan mo anak?
Bokyo: Si Andrew pot ay... ang pogi nya kasi eeeeeee!

. . . . . . . . . .

Sa eskwelahan uli...

Titer: Our topic for today is about national symbols. Wanda, ano ang pambansang bulaklak.
Wanda: Sampaguita po mam.
Titser: Very good. Bokyo ano naman ang pambansang ibon.
Bokyo: Ahhhh ehh ano mam, manok po.
Titser: Wrong, mas maliit pa ito sa manok.
Bokyo: Ah sisiw po mam.
Titser: Anong sisiw, mali! Kulay brown ito at mas maliit pa sa sisiw.
Bokyo: Ay sus alam ko na mam. Chicken cubes po mam, chicken cubes!

. . . . . . . . . .

Isang araw dumidiskarte si Kanor kay Wanda...

Kanor: Hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Ano tayo?
Wanda: Ewan ko. Wala akong pake!
Kanor: Bagay tayo, bagay na bagay!
Wanda: Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka bagay hindi Karin tao... Hayop ka, HAYOP!

. . . . . . . . . .

Sa isang talyer...

Kanor: Ser ok na po tong sasakyan nyo, nagawan ko na ng paraan.
Pekto: Ah talaga, naayos mo na yung preno ng sasakyan ko?
Kanor: Ay hindi po ser, wala nang pag-asa yung preno nyo, sira na talaga!
Pekto: Oh eh anong sinasabi mong nagawan mo na ng paraan?
Kanor: Wala na po kasing pag-asa yung preno nyo kaya nilakasan ko nalang yung busina. Ok na po yan ser, happy trip. Ingat po kayo!

. . . . . . . . . . .

Sa isang Ospital...

Kanor: Dok bakit galit na galit yung pasyente nyo pag alis dito kanina? Sayang ang sexy pa naman!
Doktor: Ah yun ba? Bakla yun, pina alis ko, ang kulit kasi eh.
Kanor: Naku Dok pano kung magsampa ng kaso yun, eh diba bawal na tumanggi sa pasyente ngayon. Tapos baka ireklamo pa kayo ng Gender discrimination, mabigat yun Dok!
Doktor: Eh ano bang magagawa ko? Hindi ko naman alam kung ano ang raraspahin sa kanya!





Saturday, June 8, 2019

Use this Word in a Sentence!

Use FOLLOWED in a Sentence. Manang FOLLOWED nga po ng Smart!

Use UNO, DOSE, TRES in a sentence. UNO! DOSE TRES are on fire!!!

Use ALONE in a sentence. Wag ka munang mamangka. Malakas ang ALONE!

Use CHICKEN NUT BREAD in a sentence. Aye Jun-Jun, Stop choking your sister! CHICKEN NUT BREAD!

Use CURTAIN and KITCHEN in one sentence. Aray! Huwag mo akong CURTAIN. Masa-KITCHEN.

Use PUNCTUATION in a sentence. Daddy, pasukan na next week. Kailangan ko ng PUNCTUATION.

Use GUAVA in a sentence. Nagpagupit ako ng buhok kasi enrolment na. Masa-GUAVA?

Use DEDUCT,DEFENSE, DEFEAT, and DETAIL in a sentence. DEDUCT jumped over DEFENSE but DETAIL landed before DEFEAT.

Use DEPOSIT in a sentence. Paki-check nga ang banyo. I think DEPOSIT is leaking.

Use PERSUADING in a sentence. Pare congrats sa inyong PERSUADING anniversary ni Misis!

Use BAMPIRA in a sentence. Pautang naman, meron ka BAMPIRA?

Use JULY in a sentence. How dare you, why did JULY to me.

Use DELETION in a sentence. The balat of DELETION is crispy.

Use IRAQ, IRAN and EGYPT in one sentence. IRAQ is bigger than a stone; IRAN is faster than a walk; and EGYPT is smaller than a truck.

Use CASHEW and SKATE in a sentence. I want to have a tattoo sana CASHEW mukhang ma-SKATE e.

Use CUISINE in a sentence. I hope you studied last night because your teacher might give a surprise CUISINE Math.

Use AFFECT in a sentence. Maria is wearing AFFECT diamond ring.

Use MENTION in a sentence. Ang laki ng bahay nila, parang MENTION.

Use LONG QUOTE in a sentence. Ayokong mag travel mag-isa, masyadong ma LONG QUOTE!

Mga Hayop sa Kalokohan!

Anong hayop ang sumasabog?
Eh di Pagong! (pagoooong!)
Anong hayop ang hindi sigurado?
Eh di Baka! (Self explanatory!)
Anong hayop ang bumabaril?
Eh di BANGus.
Anong hayop ang bullet proof!
Eh di Pating. (pag binaril... pating, pating!)
Anong hayop ang hindi pinapansin?
Eh di Lion. (wa-Lion!)
Anong hayop ang laging ayos?
Eh di Ox! (oks!)
Anong hayop ang tanga!
Eh di isda. (Kasi pumapasok sa lata!)
Anong hayop ang pinaka matanda?
Eh di century tuna.
Anong hayop ang mabaho.
Eh di Shitsu!
Anong tawag sa anak ng pitbull at shitsu?
Eh di BullShit.

Kalokohang Also in the Philippines!

Anak ka ng Photek! Da Birds dat Started it All! The Original Best Selling Float! Dahil may Swine Flu, Para w...